Speech of NYC Comm. Paul Pangilinan for Isang Lahi IYC 2017

Magandang hapon po sa inyong lahat. Maraming Salamat po sa inyong pag iimbita sa aming ahensya na makadalo sa pambihirang pagkakataon na ito.

Nais ko pong gamitin ang ating pambansang wika, sapagkat ang wikang Filipino ang nagbubuklod sa atin. Ngunit mayron man tayong wikang Filipino, nakakalungkot na ang mga Pilipino ay nagkakawatak watak gaya ng pulo pulong isla nito.  Hindi pa pala sapat ang ating wika para magkaintindhan tayo, hindi pa rin pala ito sapat para magkasundo tayo.

Kapayapaan… kapayapaan ang sigaw ng ating mga kababayan, kapayapaan ang ating inaasam sa gitna ng mga hidwaan. Hiniling ng ating mga ninuno ang kalayaan laban sa mga dayuhang sumakop sa atin sa pag iisip na dito natin makakamtan ang kapayapaan, pero nasaan ang kapayapaan ngayon? Nasaan ang kapayapaan ngayong tayo’y nasa kasarinlan?

Kamakailan lang ay nagkaroon ang National Youth Commission ng pagpupulong sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP ukol sa mga iba’t-ibang programa at proyekto sa pagpapatibay at pagpapalaganap ng kapayapaan. Isa sa mga nabanggit ay ang pagkakaroon ng PeaceTable sa bawat lugar ng Pilipinas. Ang PeaceTable ay isang grupo kung saan magkakaroon ng sharing ang bawat miyembro sa kanilang ideya ukol sa isang issue lalo na sa peace and order. Iba’t ibang social media campaign rin ang isusulong upang mapalawig ang kampanya para sa kapayapaan.

Ang NYC ay naniniwala na ang mga kabataan ang siyang dapat manguna sa pakikilahok lalo na tungo sa usaping pangkapayapaan sapagkat ito ay isa sa mga saligan upang mapaunlad ang bansa.

Ayon nga sa ating pambansang bayani na si Jose Rizal, “Ang Kabataan ang Pag-asa ng Bayan” kaya kami ay lubos na nagsusumikap upang  siguraduhin na ang kabataan ay ang magiging sentro ng peace and conflict resolution.

Sa mga nakalipas na taon, ang NYC ay naglunsad ng inisyatibo na tinawag na MINDANAO NATIN, na kung saan ito ay naglalayon na maitaguyod ang kapayapaan sa Mindanao. Ito ay isang proyekto na kung saan ang mga youth tribes sa Mindanao ay tinipon upang sama-samang gumawa at magbalangkas ng plano upang matukoy at maibsan ang mga suliranin sa nasabing lugar lalo na sa usaping pangkapayapaan.

Bukod dito, ang NYC ay ang nag initiate at nag implement ng Mindanao Youth Agenda. Ito ay batay sa Philippine Youth Development Plan 2010-2016 na kung saan ang mga kabataan sa Mindanao ay tinipon at kinonsulta sa akung ano ba ang mga pangangailangan sa kanilang lugar. Gamit ang mga impormasyong nakalap dito, ang nasabing Youth Agenda ay naibalangkas. Ilan sa mga isyung natukoy dito ay ang mga sumusunod:

  • Dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa lahat
  • Dekalidad na Edukasyon
  • Improving Food Security through sustainable Agriculture
  • Ma-maximize ang Environmental Resources laban sa Climate Change
  • Pagkakaroon ng ligtas at matiwasay na kapaligiran
  • Cultural Preservation and Appreciation
  • Pagpapalawig o pagpapalakas sa potensyal ng mga kabataan
  • Balanced and Sustainable Empowerment
  • Valuing positive lifestyle for young Mindanaoans

Ang lahat ng ito ay binigyang pansin sa Mindanao Youth Agenda. Maliban dito, patuloy ang pakikipagugnayan ng NYC sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng Armed Forces of the Philippines na kung saan ay ipinulong ang mga kabataan upang maturuan ng mga kasanayan upang sila ay makapacitate na maging kasangga tungo sa isang malakas at progresibong bansa.

Kasabay nga nito ay amin ding isinusulong ang Philippine Youth Development Plan 2017-2022 na kung saan ay nakatala ang mga stratehiya na maaaring maging gabay ng mga ahensya ng gobyerno upang matugunan ang mga pangangailangan ng kabataan sa bansa. Ang pangunahing objective nito ay ang mahikayat ang mga kabataan na makilahok sa mga programa at proyekto ng pamahalaan.

Kami sa National Youth Commission ay naniniwala na ang mga kabataan ay may mahalagang bahagi sa Peace Process kaya sa ating PYDP, nais naming mahikayat at mapatibay ang partisipasyon ng mga kabataan patungkol rito.

Isa sa mga programang kaakibat nito ay ang PAMANA o Payapa at Masaganang Pamayanan na inilulunsad ng OPAPP.

PAMANA aims to achieve lasting peace through 3 pillars:

  1. Laying Foundation (Upang masiguro ang kapayapaan, kinakailangang magkaroon tayo ng mga policy reforms)
  2. Delivery of Services (Pinopromote nito ang pagkakaroon ng kaisahan sa paghahatid ng serbisyo at mga kagamitan o kalakal sa mga komunidad. Layunin nitong masiguro na ang mga proyekto at programa na ibinababa sa mga komunidad ay magkakaayon.)
  3. Connecting to other communities (Pagbibigay ng access sa mga conflict affected areas sa pamilihan at pagppromote ng trabaho sa mga probinsya o munisipyo)

PAMANA is guided by the principles peace and social cohesion: inclusion, participation, transparency and accountability and conflict sensitivity.

Kaugnay ng PYDP, ang NYC ay nagsusulong at nagmumungkahi ng mga legislative agenda gaya ng pag iinstitutionalize ng youth participation sa peace process sa pamamagitan ng peace encounters at ang paglalakip sa peace education sa mga paaralan lalo na sa in conflict areas.

Nais din ng NYC na magkaroon ng youth representative sa GRP panels sa kasalukuyang peace-talks sa pagitan ng NDF at MILF.

Kamakailan lang ay naglabas ang Pulse asia survey na 8 sa 10 Pilipino ay pabor sa pagpapatuloy ng Peace Talks sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NPA-NDFP upang mawakasan ang kaguluhan sa bansa.

Kung ating titignan, ang kabataan ang bumubuo ng malaking bahagi ng populasyon ng bansa, the youth are the front-liners of the future generations, kaya kami ay lubos na naniniwala na kung ang mga kabataan ay mabibigyan ng kakayahan at pagkakataon na makilahok sa peace process, ay mas magiging epektibo ito.

Nais ko ring hikayatin ang mga kabataan na makiisa at makilahok sa adbokasiya ng ating pamahalaan sa pagkakaroon ng kapayapaan sa ating bansa. Tayo ay Pilipino, tayong mga kabataan, tayo ang pag asa ng bayan.

As a parting note, to my fellow young people, let us continue to keep our dreams alive, let us continue to be inspired, let us continue to be dedicated and passionate. As your Commissioner-At-Large, I am with you in making larger dreams and larger change in our country. Maraming Salamat Po! Mabuhay po kayo!